bitin? [hango sa "drama queen" - ang librong binasa ko kagabi] bitin ba yung una kong pagsulat? Di naman siguro. Tama na yon, pero dadagdagan ko rin ng onti.
Masaya ang buhay pagibig ng mga kaibigan ko. Andaming nagiging mag-syota [weh. parang sila na nga. di pa naman eh.] nakakabighani. Andami kong nalaman tungkol sa buhay pagibig ng aking mga kaibigan, tunay na nakakabighani. Sakin na lang yung mga iyon. Masaya ko para sa kanila. Buti naman at meron na kayong mga labidabs pagdating ng araw ng mga puso. Pero di naman ako nakikialam sa buhay pagibig nila, TUMUTULONG LANG AKO. gusto mo ng tulong? Basta ko, pupunta ko sa lovapalooza KUNG MERON AKONG KAHALIKAN. eh, WALA. ikaw, puwede ka? Pebrero 11. 7-12pm. Baywalk, Roxas Boulevard.
"Will you be my valentine?" [oo. alam ko, magbabayad ako ng piso dahil ingles yan.] Kanino ko naman kaya itatanong yan? Swerto mo na lang kung tanongin kita. Pero wag kayong aasa na mamimigay ako ng mga bulaklak dahil hindi ako ganon. Hindi naman ako kuripot. [pag sinabi mong kuripot ako dahil hindi ako mamimigay ng bulaklak ay humanda kang maligo sa bulaklak - malunod sa bulaklak] Palagi na lang kasing ganon. Nakakasawa na minsan. Di lang naman tuwing araw ng mga puso ko pwede magbigay ng bulaklak. Eh, meron nga ba kong kailangan bigyan ng bulaklak? Bulaklak ng patay?
+++
Ok naman kami ng mga kaibigan ko. [ah eh, bago ko to ituloy, isipin mo muna kung kaibigan talaga kita. Kung hinde, wag mo na basahin 'to.] Kung kaibigan kita, alam mo na yon. Dahil ok na kami ni Tep. Maayos na ang lahat. At mas inaayos pa namin to upang tumibay ang aming pagiging magkaibigan. Ok na rin kami ni Mila. Mabuti na yung ganito. WALANG KAAWAY - hata. Pakiramdam ko meron diyan mga taong nagtatago ng galit sa akin. Pakilala na lang kayo sakin. Wag na kayo mahiya. Sige na. Bago ko pa matuklasan sa iba. MABAIT NAMAN AKO EH - hata. Parang iba ang aking pakiramdam simula nung Lunes dahil wala akong kaaway. nakakabighani. dahil nga wala talaga kong kaaway ay sinasabi ko na lang na: "teka. mangaaway lang ako" o kaya ay "lika. away tayo." PERO WALA NAMAN AKONG MAAWAY. Hindi ako sanay. Pero, mabuti na rin yon. Mabuti ang lahat. Masaya ang lahat. Masaya AKO. Nasanay na kasi akong kada linggo ay may bago akong kaaway. Pero, ngayon WALA NA. Sayawan na.
+++
Dahil sa dami ng lumalabas na intriga ngayon sa eskwela ay INIISIP ko na ilagay ang ilan dito. Sa ngayon ay wala muna dahil pinagiisipan pa NAMIN. Marami na kasing nangyayari sa eskwela eh. Andaming intriga at chismis. Kaya ikaw! Magingat ka sa mga ginagawa mo. Baka mamaya ang tinatago mong sikreto ay nandito na. Di naman ako nananakot. Nagbababala lang ako sa mga taong kung ano ano ang ginagawa na di naman dapat ginagawa sa eskwelahan! Di ako naghahanap ng kaaway. Sana lang ay alam niyo kung ano ang mga ginagawa niyo.
+++
Oo. Maraming pagbabago sa aking pagkatao. Maraming dahilan kung bakit ako nagbago. Pabayaan niyo na ang taong maraming problema. Magiging mas SERYOSO na ko sa buhay. [di pa ba ganun ka seryoso? hindi ata eh. di niya nga ako pinapaniwalaan eh. SABOG!] Mamahalin ko muna ang aking sarili. Sige, pagusapan niyo ko pero wag lang sa harap ko. Magiging mas seryoso na ko sa lahat ng bagay. Iisipin ko muna ang lahat ng aking gagawin. Wala munang kaikaibigan pag meron kailangan gawing importante para sa pagaaral. WAG MONG AASAHAN NA PALAGI KITANG NGINGITIAN, KAKAUSAPIN O BABATIIN. Respetuhin mo ko at ang aking ginagawa, yun lang. SALAMAT.
ah eh. Sa lahat ng nagpupunta dito, mag saad naman kayo ng kung ano ang inyong nararamdaman ukol sa aking mga sinusulat ko o tungkol dito sa aking bahay-kubo. Pindutin niyo lang yung "may sasabihin ka?" sa ilalim ng bawat pagsulat ko.
dahil ito ang kaunaunahang kong isusulat sa aking bahay kubo ay dapat matindi.
Malapit na ang araw ng mga puso, ikaw ba'y may kayakap na, pagdating ng pebrero 14? Katulad ng inaasahan ng lahat, ako'y wala pa rin kayakap pagdating ng araw na iyan. Dito'y lalabas ko na ang aking nararamdaman.
Akala ko ba ang pipiliin mo ay yung taong mahal ka kesa sa taong mahal mo? Eh bakit ganun? mali hata. baliktad hata. Hindi mo lamang pinapansin yung taong nagmamahal sayo. Tama naman diba? Kelan mo nga ba ko pinansin? Tss. Isang beses isang linggo, o minsa'y hindi pa nga eh. At kung magusap man tayo'y kadalasang tuwing dance club lang. Minsan nga eh di pa tayo nagpapansinan. At kung magusap man tayo'y ang palagi nating pinaguusapan ay problema. Tss. Salamat kay Mila at may napaguusapan tayo, nakakapagusap tayo. Tuwing magkikita tayo'y puro Mila, Mila, Mila. Eto pa, Ateneo, buti naman at may isang paaralan na napaguusapan natin. Ano pa ba? Yun lang diba? WALA NA. Tss. Di naman natin pinauusapan yung mga ibang bagay eh. Pano ba naman tayo maguusap kung di mo naman ako paniniwalaan. Diba? Naniwala ka ba nung... Sige, wag na yon. Akala mo lahat ng sinasabi ko biro? MALI. Lahat ng sinasabi ko'y seryoso. Di naman ako nagtatrabaho sa perya diba? Porket ba palagi akong nakatawa ay hindi na ko seryoso? Siguro'y MANHID ka lang talaga. Siguro'y dahil na rin yan sa mga nakalipas mong relasyon. Oo, wala akong karapatan sabihin yan, pero diba't parang ganon ang lumalabas na nangyari? Masyado bang naging bato ang puso mo dahil kay desi, paolo at yung isa pang paolo? Nasasaktan ka na ba? Mas nasasaktan ako. Tapos nakipaghalikan ka pa kay ++++ [dahil hindi alam ng ibang tao ay di ko na lang ilalagay ang pangalan niya] kelan? CHRISTMAS PARTY, DECEMBER 2005? WOW. Diba't... maganda? Nakakabigahani! Dahil nung umaga rin ng araw na iyon ay [sige. di ko na rin ilalahad.] OO, masakit. Ayoko na. Umasa ko sa wala. Bakit nga ba ko umasa? Ewan. photogenic ka nga lang siguro. Bakit ko 'to ginagawa? Kasi MAHAL PA RIN KITA.
Tapos sasabihin ng iba - kung mahal ka niya talaga, bakit niya ginawa yon sayo? Eh ganun talaga eh. Walang pakialamanan. Tutal, tapos na. At sandali na lang din namin kami magkikita.
Yun ang problema sakin. Ang bilis ko magmahal. Biglang, mahal ko na siya. Di man lamang sasabihin na gusto ko siya. Eh ganun ako eh. Paki mo. Mabilis ako magnahal kaya mabilis din ako masaktan. Dun sa pagmamahal na yon ay kakabit ang pag-asa. At madaling mwala yung pagaasang yon kaya MADALI RIN AKONG NASASAKTAN. Galing ba? Nakakabighani ba? Kaya, sa ngayon ay di ko muna paiiralin ang aking puso. Gagamitin ko muna ang aking utak bago ang puso. Matututunan ko rin naman mahalin yon eh. Bakit, may bago na ba? SIKRET.
+++
Sa lahat ng aking kaibigan, kaeskwela. Sana'y tapusin na natin ang mga away at pakikipagalitan. Oo, may nasabing masakit na mga salita si Mila pero kailmutan na natin yon. Oo, ako'y nasaktan din don pero madali kong binaliwala. Sabihin niyo ng paiba-iba ako ng isip. Pero sa tingin ko'y tama ang aking ginagawa. Ok na sakin ang lahat. Di ako galit kay Mila o kahit kanino man. Hindi ako pumapanig sa kanino man pero handa akong gumitna at pagbatiin ang lahat. Kung gusto niyo mang kausapin si Mila ay tutulungan ko kayo. Matutong magpatawad at magpakumbaba. Malapit na matapos ang school year na ito. Aalis na ang mga fourth year. Dapat ay maayos na ang lahat.