|
dahil ito ang kaunaunahang kong isusulat sa aking bahay kubo ay dapat matindi. Malapit na ang araw ng mga puso, ikaw ba'y may kayakap na, pagdating ng pebrero 14? Katulad ng inaasahan ng lahat, ako'y wala pa rin kayakap pagdating ng araw na iyan. Dito'y lalabas ko na ang aking nararamdaman. Akala ko ba ang pipiliin mo ay yung taong mahal ka kesa sa taong mahal mo? Eh bakit ganun? mali hata. baliktad hata. Hindi mo lamang pinapansin yung taong nagmamahal sayo. Tama naman diba? Kelan mo nga ba ko pinansin? Tss. Isang beses isang linggo, o minsa'y hindi pa nga eh. At kung magusap man tayo'y kadalasang tuwing dance club lang. Minsan nga eh di pa tayo nagpapansinan. At kung magusap man tayo'y ang palagi nating pinaguusapan ay problema. Tss. Salamat kay Mila at may napaguusapan tayo, nakakapagusap tayo. Tuwing magkikita tayo'y puro Mila, Mila, Mila. Eto pa, Ateneo, buti naman at may isang paaralan na napaguusapan natin. Ano pa ba? Yun lang diba? WALA NA. Tss. Di naman natin pinauusapan yung mga ibang bagay eh. Pano ba naman tayo maguusap kung di mo naman ako paniniwalaan. Diba? Naniwala ka ba nung... Sige, wag na yon. Akala mo lahat ng sinasabi ko biro? MALI. Lahat ng sinasabi ko'y seryoso. Di naman ako nagtatrabaho sa perya diba? Porket ba palagi akong nakatawa ay hindi na ko seryoso? Siguro'y MANHID ka lang talaga. Siguro'y dahil na rin yan sa mga nakalipas mong relasyon. Oo, wala akong karapatan sabihin yan, pero diba't parang ganon ang lumalabas na nangyari? Masyado bang naging bato ang puso mo dahil kay desi, paolo at yung isa pang paolo? Nasasaktan ka na ba? Mas nasasaktan ako. Tapos nakipaghalikan ka pa kay ++++ [dahil hindi alam ng ibang tao ay di ko na lang ilalagay ang pangalan niya] kelan? CHRISTMAS PARTY, DECEMBER 2005? WOW. Diba't... maganda? Nakakabigahani! Dahil nung umaga rin ng araw na iyon ay [sige. di ko na rin ilalahad.] OO, masakit. Ayoko na. Umasa ko sa wala. Bakit nga ba ko umasa? Ewan. photogenic ka nga lang siguro. Bakit ko 'to ginagawa? Kasi MAHAL PA RIN KITA. Tapos sasabihin ng iba - kung mahal ka niya talaga, bakit niya ginawa yon sayo? Eh ganun talaga eh. Walang pakialamanan. Tutal, tapos na. At sandali na lang din namin kami magkikita. Yun ang problema sakin. Ang bilis ko magmahal. Biglang, mahal ko na siya. Di man lamang sasabihin na gusto ko siya. Eh ganun ako eh. Paki mo. Mabilis ako magnahal kaya mabilis din ako masaktan. Dun sa pagmamahal na yon ay kakabit ang pag-asa. At madaling mwala yung pagaasang yon kaya MADALI RIN AKONG NASASAKTAN. Galing ba? Nakakabighani ba? Kaya, sa ngayon ay di ko muna paiiralin ang aking puso. Gagamitin ko muna ang aking utak bago ang puso. Matututunan ko rin naman mahalin yon eh. Bakit, may bago na ba? SIKRET. +++ Sa lahat ng aking kaibigan, kaeskwela. Sana'y tapusin na natin ang mga away at pakikipagalitan. Oo, may nasabing masakit na mga salita si Mila pero kailmutan na natin yon. Oo, ako'y nasaktan din don pero madali kong binaliwala. Sabihin niyo ng paiba-iba ako ng isip. Pero sa tingin ko'y tama ang aking ginagawa. Ok na sakin ang lahat. Di ako galit kay Mila o kahit kanino man. Hindi ako pumapanig sa kanino man pero handa akong gumitna at pagbatiin ang lahat. Kung gusto niyo mang kausapin si Mila ay tutulungan ko kayo. Matutong magpatawad at magpakumbaba. Malapit na matapos ang school year na ito. Aalis na ang mga fourth year. Dapat ay maayos na ang lahat. |
| Leave a Comment: |