Bitin? 2.9.2006



bitin? [hango sa  "drama queen" - ang librong binasa ko kagabi] bitin ba yung una kong pagsulat? Di naman siguro. Tama na yon, pero dadagdagan ko rin ng onti.

Masaya ang buhay pagibig ng mga kaibigan ko. Andaming nagiging mag-syota [weh. parang sila na nga. di pa naman eh.] nakakabighani. Andami kong nalaman tungkol sa buhay pagibig ng aking mga kaibigan, tunay na nakakabighani. Sakin na lang yung mga iyon. Masaya ko para sa kanila. Buti naman at meron na kayong mga labidabs pagdating ng araw ng mga puso. Pero di naman ako nakikialam sa buhay pagibig nila, TUMUTULONG LANG AKO. gusto mo ng tulong? Basta ko, pupunta ko sa lovapalooza KUNG MERON AKONG KAHALIKAN. eh, WALA. ikaw, puwede ka? Pebrero 11. 7-12pm. Baywalk, Roxas Boulevard.

"Will you be my valentine?" [oo. alam ko, magbabayad ako ng piso dahil ingles yan.] Kanino ko naman kaya itatanong yan? Swerto mo na lang kung tanongin kita. Pero wag kayong aasa na mamimigay ako ng mga bulaklak dahil hindi ako ganon. Hindi naman ako kuripot. [pag sinabi mong kuripot ako dahil hindi ako mamimigay ng bulaklak ay humanda kang maligo sa bulaklak - malunod sa bulaklak] Palagi na lang kasing ganon. Nakakasawa na minsan. Di lang naman tuwing araw ng mga puso ko pwede magbigay ng bulaklak. Eh, meron nga ba kong kailangan bigyan ng bulaklak? Bulaklak ng patay?

+++

Ok naman kami ng mga kaibigan ko. [ah eh, bago ko to ituloy, isipin mo muna kung kaibigan talaga kita. Kung hinde, wag mo na basahin 'to.] Kung kaibigan kita, alam mo na yon. Dahil ok na kami ni Tep. Maayos na ang lahat. At mas inaayos pa namin to upang tumibay ang aming pagiging magkaibigan. Ok na rin kami ni Mila. Mabuti na yung ganito. WALANG KAAWAY - hata. Pakiramdam ko meron diyan mga taong nagtatago ng galit sa akin. Pakilala na lang kayo sakin. Wag na kayo mahiya. Sige na. Bago ko pa matuklasan sa iba. MABAIT NAMAN AKO EH - hata. Parang iba ang aking pakiramdam simula nung Lunes dahil wala akong kaaway. nakakabighani. dahil nga wala talaga kong kaaway ay sinasabi ko na lang na: "teka. mangaaway lang ako" o kaya ay "lika. away tayo." PERO WALA NAMAN AKONG MAAWAY. Hindi ako sanay. Pero, mabuti na rin yon. Mabuti ang lahat. Masaya ang lahat. Masaya AKO. Nasanay na kasi akong kada linggo ay may bago akong kaaway. Pero, ngayon WALA NA. Sayawan na.

+++

Dahil sa dami ng lumalabas na intriga ngayon sa eskwela ay INIISIP ko na ilagay ang ilan dito. Sa ngayon ay wala muna dahil pinagiisipan pa NAMIN. Marami na kasing nangyayari sa eskwela eh. Andaming intriga at chismis. Kaya ikaw! Magingat ka sa mga ginagawa mo. Baka mamaya ang tinatago mong sikreto ay nandito na.  Di naman ako nananakot. Nagbababala lang ako sa mga taong kung ano ano ang ginagawa na di naman dapat ginagawa sa eskwelahan! Di ako naghahanap ng kaaway. Sana lang ay alam niyo kung ano ang mga ginagawa niyo.

+++

Oo. Maraming pagbabago sa aking pagkatao. Maraming dahilan kung bakit ako nagbago. Pabayaan niyo na ang taong maraming problema. Magiging mas SERYOSO na ko sa buhay. [di pa ba ganun ka seryoso? hindi ata eh. di niya nga ako pinapaniwalaan eh. SABOG!] Mamahalin ko muna ang aking sarili. Sige, pagusapan niyo ko pero wag lang sa harap ko. Magiging mas seryoso na ko sa lahat ng bagay. Iisipin ko muna ang lahat ng aking gagawin. Wala munang kaikaibigan pag meron kailangan gawing importante para sa pagaaral. WAG MONG AASAHAN  NA PALAGI KITANG NGINGITIAN, KAKAUSAPIN O BABATIIN. Respetuhin mo ko at ang aking ginagawa, yun lang. SALAMAT.

ah eh. Sa lahat ng nagpupunta dito, mag saad naman kayo ng kung ano ang inyong nararamdaman ukol sa aking mga sinusulat ko o tungkol dito sa aking bahay-kubo. Pindutin niyo lang yung "may sasabihin ka?" sa ilalim ng bawat pagsulat ko.

   2 comments

Idge
February 10, 2006   11:04 PM PST
 
@jori. syempre. mababait naman ang mga second year eh. ikaw pa. magagawa ko ba yon sayo!
jori
February 10, 2006   08:55 PM PST
 
beh. wala naman akong ginawa na iskandalo diba? diba? pag may nilagay ka... patay ka sakin. mga sinasabi ko sayo na sikreto ay hindi lalabas diba?

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments